Sabado, Pebrero 16, 2008

DOTA anong ibig sabihin nito?

DOTA isang salita na madalas mong marinig sa isang computer shop. Mapabata man o matanda. Madalas mo ito makita minsan nahihikayat kang maglaro. Ano ang DOTA? DOTA ibig sabihin Defense Of The Ancient. Ito ay mapa ginawa ng isang manlalaro sa battle.net aka icefrog kung tawagin sa kanyang name.
Hindi ako makapaniwala sisikat ang mapa na ito. Bago kong makalimutan mapa ito ng warcraft III ung expansion Frozen Throne kung tawagin. Karaniwang sa mga naglalaro nito eh talagang thrill at minsan napapamura or trash talk kung tawagin. Panlibangan talaga ang tanging purpose nito. ang masaklap nga lang napupunta sa sugal or pustahan. maglalagay ng pera para malaman kung sino ang panalo. Dito umiikot madalas ang mga kabataan mahilig sa computer games. Maganda sa kung maganda pero ang pangit dito nagiging pasugalan. Hindi dapat ganun, laro kung laro.
Minsan naiisip kong ibahagi ang iba ko pang nalalaman tungkol dito. kunbaga anong mayrun sa DOTA.
DOTA, depensa ng mga Ancient. kadalasan pag maglalaro ka magsisimula sa 2 base. at may 3 lane kung tawagin isa up isang middle isang bottom. bawat lane may mga tore nagbabantay. sa iyong simula pipili ka ng "hero" na siya mong dadalhin sa laro ito. Nasa iyong kamay kung paano mong ipanalo ang pinili mo ng hero. 3 klase ang hero na ito
Isang Strength na kadalasan pangdikitan
Isang Agility na minsan pangmalayuan at minsan pangdikitan
at Isang Mana na kadalasan naguubos ng "mana" or powers

may mga ibang website na nauukol sa mga heroes at anong dapat gamit. Dito isinasatagalog ko na lang para maunawaan ng mga pinoy kadalasan kasi pag dating sa ingles. Hindi makarelate or makaunawa ng malalim na salita.